Wednesday, June 11, 2008

Bayan Ni Juan


Ngayong umaga ay pinagdiriwang din ang opisyal na paglulunsad ng ika-limampu't limang anibersaryo ng kauna-unahang tv network sa bansa, ang ABS-CBN! At dahil d'yan, may isang napakahalagang proyekto, na nasimulan na ng ABS-CBN Foundation Incorporated, ang tiyak na magpapatotoo ng tunay na kahulugan ng pagiging magkakapamilya -- at ito ay ang misyon na kung tawagin ay Bayanijuan. Ito ay ang pamamaraan ng buong komunidad ng ABS-CBN, mula Luzon, Visayas at Mindanao at sa lahat ng panig ng mundo, na tuwiran o direktang makatulong sa ating mga kapamilyang lubos na nangangailangan o 'yung talagang mga kapus-palad. Ito'y sa pamamagitan ng mga feeding programs, medical missions at iba't iba pang outreach programs kung saan personal nating maipapadama ang ating pagiging kapamilya ng bawat isa.

1 comment:

Unknown said...

x1y18c4w90 i6k06w7c02 x8r58v8u86 l8f08f0w92 y8m11x3n84 c0y40c1r87