Excerpts of Susan Roces's press conference at Club Filipino, noon of June 29, 2005
…Nalungkot po ako noon sapagkat kailan po natin malalaman ang katotohanan? Lumipas po ang panahon, nanahimik ako, katulad ng sabi ng mga nakakaalam sa batas, it was legal but not moral. Life must go on. Sinikap ko na gawin ang pang-araw-araw na dapat kong gawin tulad ng isang mabuting mamamayan. Sinunod ko lahat ang mga batas. Sinunod ko kahit laban sa loob ko, kahit nakikita ko na na in spite of our state, our economic state, our financial crisis, personal and business crises, pinilit tayo whether we like it or not na dagdagan ang ating VAT. Ganun pa man, ang sabi ko, kung lahat kayo ay nakakatiis, bakit hindi siya bigyan ng pagkakataon? Ngunit ano ang isinukli niya? Arogante siya. Arogante! Hindi niya isinaalang-alang ang damdamin ng nakararami. Manhid.
June 6. Tulad ninyong lahat nagulat na lamang ako. Doon pa man din sa Malacañang inilabas ang dalawang discs. Hindi ko hinanap yun. Hindi oposisyon ang nakahanap nun. Kung hindi marahil ay naibigay sa akin nung kasalukuysang ipinaglalaban ko ang protesta ni FPJ. Dininig ng langit ang aking mga dalangin, kasama ng lahat ng sumusuporta kay FPJ. Ang langit ang humusga na may karapatan tayong malaman ang katotohanan.
Para sa ating mga Pilipino, mahalaga ang karapatan nating piliin ang ibig nating mamuno sa atin. Sagrado ang ating mga boto. Sapagkat yan ay karapatang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Pinagbuwisan nila ng buhay, pinakipaglaban nila ang ating mga karapatan at nanindigan sila para makamit natin ang ating kalayaan. Tuwing araw lamang ng halalan na tunay na lahat tayo ay pantay-pantay, mayaman man o mahirap, tigitig-isa lamang tayo ng boto kaya yun ay sagrado. Nakalulungkot at nakagagalit ang kasalukuyang pangyayari. Noon ang sumusupil sa ating karapatan at nanglalamang sa atin ay ang mga dayuhan na sumakop sa ating bayan. Ngunit sa kasalukuyan, ang nanlalamang at kumikitil sa ating mga karapatan ay sarili nating kalahi at kadugo.
Nagpahayag si Mrs Arroyo noong lunes ng gabi. Labis akong nalungkot sa aking nakita at narinig. Napaisip ako, nadagdagan ang mga katanungan sa aking diwa. Sorry daw at kinausap niya ang isang comelec commissioner. Kasalukuyan pang nagbibilangan noon. Alam niya yun. Alam niyang bawal yun. Alam ng lahat ng kandidato na bawal yun. Pero ginawa niya. Nilabag niya ang batas. At yon ay inilihim niya. At kung hindi pa lumabas ang tape, kailanman ay hindi natin malalaman. Kaytagal din niyang nanahimik,. Kaytagal din niyang pinag-isipan, aaminin ba niya o hindi, na boses niya o hindi ang boses ng babaeng nasa tape? Bakit? Bakit napakatagal niyang naghintay? Dahil may higit siyang mabigat na pagkakasala na ibig niyang ilihim at ibig pa tayong muling isahan. Yon ang pinag-uusapan nila at ayaw, at bawal ito na ating marinig, ang pandaraya. Mrs Arroyo …
…Kitang-kita ko sa iyong mga mata, na ibig mo na naman kaming isahan. Pinaiikot mo na naman muli ang batas para sa iyong personal na interes, para ilihim ang katotohanan. May kasabihan tayong mga Pilipino: Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Hindi ko matatanggap ang iyong sorry. Sinira mo ang pagtitiwala ng mga kababayan mo sa 'yo. Wala kang karapatan na mamuno. Remember, Mrs Arroyo, before foreigners, before foreign investors can trust you, you must first have the trust of your countrymen. Which unfortunately you have lost. You have embarrassed the Filipinos enough. There is nothing we can find that we can be proud of that you have done for us from the day 1 to the present. You are full of empty
promises. Obviously you have no love for your country. The gravest thing that you have done is you have stolen the presidency. Not once, but twice!
Open Forum (Excerpts)
Q: Whether President Arroyo should resign
A: That's the most honorable thing you can do.
Q: If she will lead the campaign to force Mrs. Arroyo to resign
A: …Ayokong haluan ito ng pulitika. Ayokong haluan ito ng partisan politics.
Q: On the need for retribution after President Arroyo's June 27 admission.
A: We have to consult people in the legal field. Other than that it is our countrymen who can decide.
Q: Who she will endorse if Arroyo resigns
A. I am just, like you, an ordinary citizen. Again I will say, it's for the majority to decide.
Q: On First Gentleman Mike Arroyo's offer to leave the country
A: Well, on that, that's a personal decision of the couple. As for me, in my marriage, I don't agree to it.
Q: When she will lead a big anti-Arroyo rally
A: Wag nyo pong lalagyan ng hindi tamang pananalita ang aking bibig. Alalahanin po ninyo, iisa lang ako. Ordinaryong mamamayan katulad ninyo. Wala akong maipagmamalaki na pwersa. Ngunit kung may mangunguna, at depende kung kailan, handa ako.
Q: Whether Mike Arroyo's flight is tantamount to guilt
A: I don't meddle with the problems of the couple.
Q: Whether she is calling for Arroyo's immediate resignation
A: Yes. She has done enough damage to our country, she has put our country and our countrymen to shame.
Q: On Press Secretary Ignacio Bunye's statement that Arroyo has no intention to resign
A: Iparinig nyo yan sa nakararami. Tingnan natin kung anong sagot nila.
Q: Whether Vice President Noli de Castro should succeed Arroyo if she resigns
A: Sa mga nakikita ko, na kahit na mali ay kinakampihan? Ano ang maisasagot mo?
Q: What her role will be if and when Arroyo steps down
A: Kagaya ng role ko ngayon. Isang simpleng mamamayan, kasama nyo.
Q: Whether she is open to a military junta to take over from Arroyo
A: Hindi ako ang makapagsasabi niyan. Hindi ko ginusto na magkaganito ang ating sitwasyon. Wag nilang isipin sa mga taong katulad ko na ibig lamang ipahayag ang tunay niyang niloloob at ang kanyang damdamin….
Q: What scenario she expects to follow
A: Ang mga bagay-bagay na ganyan ay hindi ipinagsasapalaran. Yan ay pinag-aaralan. Sa ngayon, marami ng pag-aaral, ibat ibang grup na ang nag-aaral kung naong makabubuti sa ating bayan.
Q: What advice she would give to Arroyo
A: I don't give unsolicited advice
Q: Whether snap elections should be held
A: Hindi. Dahil sa dumi ng nakaraang halalan, sino ang mamamahala ng snap election?
Q: On a post-Arroyo government
A: Again I'm sorry. There are plans, different plans. But I cannot reveal as of now.
Q: What she would do if the majority wants her to lead
A: Depende sa mga pagkakataon at mga pangyayari…Malalaman nyo na lang. Ang importante ay magkakasama ang lahat ng taong bayan.
Q: If People Power is part of the anti-Arroyo plans
A: Hindi ko alam.
Q: Whether she would call on people to go to the streets
A: Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako. (Crowd cheers). Umpisahan ninyo, tatapusin ko.
Q: When she first heard the recorded conversations of Arroyo and Elections Commission Virgilio Garcillano
A: Katulad ng sinabi ko kanina, sabag-sabay nating narinig mula sa malacanang.
Q: Where the country is headed
A: Yun din ang matagal ko nang itinatanong, saan ba tayo patungo?…I'm wondering each day.
Q: On Arroyo's statement that her husband is sacrificing by leaving the country
A: Hindi ko alam ang kasaysayan ng kanilang pagmamahalan.
Q: Her message to FPJ loyalists
A: Ayaw ko silang tawagin na loyalista ni FPJ. Sila ang ipinaglaban at sila ang naging dahilan na si fpj ay lumaban sa nakaraang halalan. Para sa inyo po, tuloy po ang laban.
Q: Whether she is ready to lead a civil disobedience campaign
A: Makakarating po tayo dyan, depende kung gaano katigas ang ulo ng ating pangulo.
Q: Whether she is ready to meet with Garcillano
A: Alam mo ba kung nasaan siya?
Q: What options there are after EDSA 1 and 2
A: Nasa taongbayan ang pagpapasiya. Naranasan na nila ang EDSA 1, 2, 3. May nabago ba? Kailangan suriin natin sa ating mga isip kung nao ba ang gusto nating klaseng pamumuno.
No comments:
Post a Comment